Si Virginia ay isang babaing mayaman,
madasalin at palasimba samantalang, ang kanyang asawang si Rodin ay may
pangalan at silang dalawa ay nabubuhay sa kasaganahan. Sa loob ng sampung taon
nilang pagsasama bilang mag-asawa ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak.
Ang anak na magiging mutya ng kanilang tahanan at magmamana ng dakilang
pangalan ni Rodin.
Sa tindi ng
pananalig at pananampalataya nina Virginia at Rodin sa Diyos at Mahal na Birhen.
Ang mag-kabiyak ay taimtim na nananalangin sa Ubando alang-alang sa
kamahal-mahalang San Pascual at kapinu-pinuhang Santa Klara. Ngunit hindi pa
rin sila nabigyan ng minimithing anak.
Pagdating
sa larangan ng medisina, ang malaking pagkasulong ng matandang karunungan sa
paggamot ay nagbigay ng panibagong pag-asa kay Virginia at pati na rin kay
Rodin. Sa pag-asang kanilang muling naramdaman, mas lalong nanabik ang
mag-asawa na magbunga ang kanilang malinis at kabanal-banalang pagsisintahan.
Matapos ang
matiyagang pagpapagamot sa isang doctor, Si Virginia ay nagdalang-tao.
Pagkaraan ng mahabang buwan ng kanyang paghihirap ay iniluwal na niya ang isang
lalaking sanggol na nagtataglay ng pangal ni Rodin at ng pangalan ng kanilang
angkan. Napalundag sa labis na kaligayahan si Rodin nang sabihin sa kanya na
siya ay isang ganap ng ama na. Dali-dali niyang tinahak ang silid ng kanyang
mag-ina, isang tinging punung-puno ng paggiliw ang inilay niya para kay
Virginia at isang matamis naman ang ikinital niya sa kanyang pangalawang
pag-ibig, ang kanyang anak.
Si Virginia
palibhasa’y madasalin, marupok ang puso at natatakot sa Diyos, palibhasa’y
mahinang-mahina noon ang katawan at pag-iisip ay unti-unting nag-alinlangan sa
kalinisan ang kanyang pagiging ina. Ibig niyang maniwalang siya’y makasalanan
sapagkat nilabag niya ang katalagahan at ang kalooban ng Diyos para sa kanya. Dahil
sa paniniwalang ito ay hindi niya pinag-tuusan ng pansin ang kanyang munting
anghel.
Unti-unting
nabaliw si Virginia sa paniniwalang hindi laman ng kanilang laman ang kanilang
supling kung hindi isang bula lamang ng mga pinaghalu-halong karunungan. Wala
nang ginawa si Virginia kundi manalangin na lamang sa altar ng Birhen at
humingi ng tawad sa Diyos.
Habang karga-karga
ni Rodin ang kanilang anak ay inagaw ito ni Virginia at biglang bumulalas ng “Bunga
ng kasalanan! Ito ay hindi natin anak … “
Kinaumagahan noon,
si Rodin ay dumanas ng isang gabing walang tulog at pagod sa pag-aalaga ng
kanilang anak. Samantalang si Virginia ay nasa higaan pa at sa mga sandaling
iyon ay nakita niya ang asawang si Rodin na sinasaktan ang anak. Agad na
nagising si Virginia sa napakasamang panaginip na kanyang nakita. Mabilis na
pinuntahan ni Virginia ang kanyang mag-ama sabay kandong sa kanyang anak at
iniyapos sa kanyang dibdib saka pinupog ng maraming halik.
Yaong sa kabaliwan
ni Virginia ay tinawag na bunga ng kasalanan.
Mula sa binasang teksto, anong pangunahing kaisipan ang nakuha mo mula rito?
ReplyDeleteSa tingin ko ang Ang pangunahing kaisipan ang nakuha ko mula rito ay yung pagtitiwala at magpapamahal sa diyos dahil kung humantong man sa mga problema ay dapat pa rin mahalin ang anak at ito'y alagaan.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletemay full text po kayo nito?
ReplyDeletenxnzmamma
ReplyDelete