Saturday, November 5, 2016

Buod ng "Bunga ng Kasalanan" ni Cirio H. Panganiban

            Si Virginia ay isang babaing mayaman, madasalin at palasimba samantalang, ang kanyang asawang si Rodin ay may pangalan at silang dalawa ay nabubuhay sa kasaganahan. Sa loob ng sampung taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Ang anak na magiging mutya ng kanilang tahanan at magmamana ng dakilang pangalan ni Rodin.
Sa tindi ng pananalig at pananampalataya nina Virginia at Rodin sa Diyos at Mahal na Birhen. Ang mag-kabiyak ay taimtim na nananalangin sa Ubando alang-alang sa kamahal-mahalang San Pascual at kapinu-pinuhang Santa Klara. Ngunit hindi pa rin sila nabigyan ng minimithing anak.
                Pagdating sa larangan ng medisina, ang malaking pagkasulong ng matandang karunungan sa paggamot ay nagbigay ng panibagong pag-asa kay Virginia at pati na rin kay Rodin. Sa pag-asang kanilang muling naramdaman, mas lalong nanabik ang mag-asawa na magbunga ang kanilang malinis at kabanal-banalang pagsisintahan.
Matapos ang matiyagang pagpapagamot sa isang doctor, Si Virginia ay nagdalang-tao. Pagkaraan ng mahabang buwan ng kanyang paghihirap ay iniluwal na niya ang isang lalaking sanggol na nagtataglay ng pangal ni Rodin at ng pangalan ng kanilang angkan. Napalundag sa labis na kaligayahan si Rodin nang sabihin sa kanya na siya ay isang ganap ng ama na. Dali-dali niyang tinahak ang silid ng kanyang mag-ina, isang tinging punung-puno ng paggiliw ang inilay niya para kay Virginia at isang matamis naman ang ikinital niya sa kanyang pangalawang pag-ibig, ang kanyang anak.
Si Virginia palibhasa’y madasalin, marupok ang puso at natatakot sa Diyos, palibhasa’y mahinang-mahina noon ang katawan at pag-iisip ay unti-unting nag-alinlangan sa kalinisan ang kanyang pagiging ina. Ibig niyang maniwalang siya’y makasalanan sapagkat nilabag niya ang katalagahan at ang kalooban ng Diyos para sa kanya. Dahil sa paniniwalang ito ay hindi niya pinag-tuusan ng pansin ang kanyang munting anghel.  
Unti-unting nabaliw si Virginia sa paniniwalang hindi laman ng kanilang laman ang kanilang supling kung hindi isang bula lamang ng mga pinaghalu-halong karunungan. Wala nang ginawa si Virginia kundi manalangin na lamang sa altar ng Birhen at humingi ng tawad sa Diyos.
Habang karga-karga ni Rodin ang kanilang anak ay inagaw ito ni Virginia at biglang bumulalas ng “Bunga ng kasalanan! Ito ay hindi natin anak … “
Kinaumagahan noon, si Rodin ay dumanas ng isang gabing walang tulog at pagod sa pag-aalaga ng kanilang anak. Samantalang si Virginia ay nasa higaan pa at sa mga sandaling iyon ay nakita niya ang asawang si Rodin na sinasaktan ang anak. Agad na nagising si Virginia sa napakasamang panaginip na kanyang nakita. Mabilis na pinuntahan ni Virginia ang kanyang mag-ama sabay kandong sa kanyang anak at iniyapos sa kanyang dibdib saka pinupog ng maraming halik.

Yaong sa kabaliwan ni Virginia ay tinawag na bunga ng kasalanan.

5 comments:

  1. Mula sa binasang teksto, anong pangunahing kaisipan ang nakuha mo mula rito?

    ReplyDelete
  2. Sa tingin ko ang Ang pangunahing kaisipan ang nakuha ko mula rito ay yung pagtitiwala at magpapamahal sa diyos dahil kung humantong man sa mga problema ay dapat pa rin mahalin ang anak at ito'y alagaan.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete