Saturday, November 5, 2016

Repleksyon tungkol sa: “Bunga ng Kasalanan” ni Cirio H. Panganiban




Ang maikling kwento na pinamagatang “Bunga ng Kasalanan” ni Cirio H. Panganiban ay nagmulat sa akin na may tamang panahon sa mga bagay-bagay na ating hinihiling. Maaaring ibigay agad ito ng Panginoon at maaari namang hindi o hindi muna sapagkat alam Niya kung ito’y makakabuti o makakasama sa atin. Katulad nina Virginia at Rodin na sampung taon nang kasal ngunit hindi pa nagkakaroon ng anak, ay may nakalaang plano ang Panginoon para sa mag-asawa. Ipinapahiwatig lamang nito sa atin na kinakailangan nating matutong maghintay ng tamang oras at panahon.
Hindi nakukuha ang isang bagay sa isang mabilisang paraan. Para sa akin, dapat nating paghirapan ang isang bagay na gusto nating makamit at patunayan sa Panginoon na tayo ay buong pusong nagagalak na magpakasakit upang matamo ang minimithing tagumpay o bagay. Dito masusukat kung gaano katatag ang iyong pananalig at pagtitiwala sa Panginoon. Ika nga sa isang kasabihan, “Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa”.
Natutunan ko rin na dapat nating pahalagahan ang bawat biyaya at pagsubok na ating matatanggap mula sa ating Panginoon. Sapagkat alam Niya na kaya nating malampasan ang bawat hamong ito sa ating buhay. Gaya ni Virginia, nabaliw man ay nagbalik siya sa katinuan para ipagpatuloy ang kanyang papel sa kanyang mag-ama bilang isang mabuting maybahay at isang mapagmahal na ina. Aking lubos na isasa-isip at isasa-puso ang mga repleksyong aking natuklasan at nabuo sa araw-araw.

1 comment:

  1. Mr. Casino - DRMCD
    Mr. Casino 삼척 출장샵 is owned and operated 영주 출장샵 by Apollo 안성 출장샵 Capital Limited. Mr. Casinos are powered by Microgaming 보령 출장안마 and Netent and are powered by Microgaming. Mr. 아산 출장샵

    ReplyDelete